Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.ang mga law enforcement at anti-corruption entities na magpatupad ng mas maraming operasyon laban sa mga philippine offshore gaming operations, na nagpapatuloy pa rin ang aktibidad sa Pilipinas.
Ayon sa Presidential Communications Office, ibinaba ng pangulo ang direktiba sa ikalawang Joint National Peace and Order Council-Regional Peace and Order Councils Meeting 2024, sa Kampo Crame.
Inatasan din ng Pangulo ang Philippine Anti-Organized Crime Commission, Philippine National Police, at ang Criminal Investigation and Detection Group na palakasin pa ang kanilang kampanya laban sa POGO.
Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Marcos Jr sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ang pagpapasara sa POGO operations sa bansa dahil sa talamak na pang-aabuso at kawalan ng respeto sa mga batas ng Pilipnas.