Palalawigin pa ng Department of Agriculture ang Kadiwa ng Pangulo kiosks sa ilalim ng Rice-for-All Program sa mas maraming lungsod at bayan sa buong bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ito ay bilang pagkamit sa mithiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas murang bigas para sa mga Pilipino.
Nag-o-operate ang KNP kiosks sa mga train station tuwing Martes hanggang Sabado, mula alas-tres ng hapon hanggang alas-otso ng gabi o hanggang maubos ang supply.
Habang bukas naman ang Kadiwa ng Pangulo sa mga pampublikong pamilihan mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Unang inilunsad ang Rice-for-All Program noong Agosto sa mga piling Kadiwa stores at pinalawig sa Metro Manila nitong unang bahagi ng buwan lamang dahil nananatiling mahal ang presyo ng bigas sa kabila ng pag-aangkat at mas pinababa nitong taripa. - sa panulat ni Laica Cuevas