Nakapasa ang nasa kabuuang bilang na 3,962 examinees sa 2024 Bar examinations.
Ayon sa Korte Suprema, ito ay 37.84% mula sa kabuuang bilang ng kumuha ng nasabing pagsusulit.
Dagdag pa nito, mas mataas ang nakapasa ngayong taon kumpara noong 2023 na mayroong 3,812 na nakapasa.
Nanguna naman sa bar exams ang University of the Philippines College of Law student na si Kyle Christian Tutor na may rating na 85.77%.
Matatandaang naganap ang bar examinations noong September 8, September 11, at September 15. - sa panulat ni Alyssa Quevedo