Tatlong weather systems ang kasalukuyang nakakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, mayroong posibilidad na magkaroon ng bagyo bago sumapit ang pasko.
Batay sa forecast ng weather bureau, maaaring mabuo ang tropical cyclone-like vortex mula December 20 hanggang December 26.
Mino-monitor din ng pagasa ang isang vortex mula sa hilaga-silangang bahagi ng Philippine Area of Responsibility na may tsansang maging isang cyclone pagdating ng December 19.