Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi niya kailangang ipaliwanag kung paano ginasta ang confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.
Ayon kay VP Sara, sasagot lamang siya sa mga katanungan ng Commission on Audit at iginiit na hindi mandato ng kamara na tanungin kung paano niya ginamit ang nasabing pondo.
Tumanggi rin ang Pangalawang Pangulo na ipaliwanag ang mahigit 400 mga pangalan na nakita sa acknowledgment receipts ng kanyang confidential funds, na nabatid ay wala sa National Registry ng Philippine Statistics Authority.
Ipinunto ng Bise-Presidente na kung magsasalita siya ukol sa nasabing pondo, masasangkalan dito ang intelligence operations na aniya ay isang paglabag sa batas.