Sanib-pwersa na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission at Department of Social Welfare and Development para tugunan ang pangangailangan ng mahigit dalawampung anak ng mga dating empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO.
Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, sa ngayon ay mayroong 24 na POGO babies ang kanilang sinusuportahan kabilang ang pagsagot sa hospitalization ng mga ito kung kinakailangan.
Nasa kustodiya ng ahensya ang nasa 400 foreign nationals na dating empleyado ng mga POGO at hanggang nitong buwan lamang ay naipa-deport nila ang 250 iba pa.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang total POGO ban hanggang sa pagtatapos ng taon sa kanyang ikatlong state of the nation address noong Hulyo.