Umaasa si Education Secretary Sonny Angara na tutugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkaltas ng 12 bilyong piso na budget ng Department of Education (DEPED) para sa taong 2025.
Iginiit ni Secretary Angara ang kahalagahan sa pag-prayoridad sa pagpopondo para sa edukasyon.
Nalulungkot anya siya na hindi naulit sa 2025 budget ang pagtaas ng kongreso sa budget ng DEPED nuong mga nakaraang taon.
Dagdag pa ng kalihim na si Pangulong Marcos mismo ang nagsabi sa kanila na aayusin nito ang nasabing budget. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo