Bukas si 2024 Miss Universe Asia Chelsea Manalo sa pagpasok sa showbiz.
Ayon kay Chelsea, maraming bumukas na pintuan sa kanya matapos tanghalin bilang kauna-unahang Miss Universe Asia kung saan kabilang na rito ang showbiz; hosting; modeling sa ibang bansa; theater; singer at iba pa.
Gayunman, gusto anya niyang ipagpatuloy ang pakikipagtrabaho sa Miss Universe Philippines Organization dahil ang adbokasiya nito ay malapit sa kanyang puso. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo