Kamakailan ay naitala na ang pinakaunang beses na nakaranas ng snowfall ang disyerto ng Al-Nafud sa Saudi Arabia.
Kung paano ito nangyari, alamin.
Kilala ang Saudi Arabia sa mga naggagandahan at naglalawakan nitong mga disyerto na ang alam ng lahat ay mayroong mainit na temperatura.
Ngunit nito lamang Nobyembre a-tres ay naitala ang pambihirang pangyayari kung saan ang isang disyerto sa rehiyon ng Al-Jawf sa Saudi Arabia ay nakaranas ng pinakauna nitong snowfall.
Nag-trending sa social media ang mga litrato at video kung saan makikita ang paghahalo ng tipikal na kulay kayumangging disyerto at ng puting niyebe na nakapaibabaw rito.
Ayon sa United Arab Emirates National Center of Meteorology, ang low-pressure area mula sa Arabian Sea ang nagdulot ng hindi pangkaraniwang temperatura sa Al-Jawf na mayroong tipikal na temperatura na umaabot sa 55°c.
Nagresulta sa thunderstroms, pag-ulan ng yelo, at rainfall ang nakakapanibagong panahon na ito sa disyerto at maaring magdulot ng pagbaba ng visibility level nito at maantala ang pagbiyahe rito.
Ang pangyayaring ito ay isang patunay na ang mga disyerto ay nakararanas din ng ibang temperatura bukod sa init at isang halimbawa na nito ay ang Sahara desert ma magtatagpuan sa North Africa na makailang beses nang nagkaroon ng snowfall.
Ikaw, gugustuhin mo rin ba na magkaroon ng snow sa Pilipinas?