Nailipat na sa Jakarta, Indonesia si Mary Jane Veloso para masimulan na ang pag proseso nang pagpapabalik nito sa bansa.
Ipinabatid ito ni Celia Veloso, ina ni Mary Jane matapos dalhin sa isang pasilidad sa Jakarta ang Pinay mula sa Yogjakarta na siya rin aniyang dahilan kaya’t nakansela ang biyahe nilang pamilya pa Indonesia para saana bisitahin ang anak.
Sinabi ni ginang Veloso na hihintayin na lamang nila dito sa Pilipinas ang kanyang anak.
Natutuwa at excited aniya ang buong pamilya sa pag uwi ni Mary Jane na halos 14 na taong nakulong sa Indonesia.
Lilipad sana pa Indonesia kahapon ang pamilya Veloso, kanilang abogado at ilang opisyal ng gobyerno para bisitahin ang Pinay bago ang kanyang pag-uwi ng Pilipinas.