Siniguro ng Philippine Health Insurance Corporation na walang aasahang pagtaas sa premium contribution rate ang kanilang mga miyembro.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Israel Francis Pargas, Senior Vice President at Spokesperson ng PhilHealth, sa panayam ng DWIZ.
Ito’y sa kabila ng desisyon ng kongreso na tanggalan ng subsidiya ang PhilHealth sa panukalang 2025 national budget.
Siniguro naman ni Dr. Pargas na kakayanin pa rin ng kanilang pondo na mapalawak pa ang benepisyo ng kanilang mga miyembro.