Isang dayuhang top executive ng isang automobile manufacturing company ang nasita matapos nitong magsuot ng uniporme ng Philippine National Police sa isang Christmas party.
Ano nga ba ang karampatang parusa sa kasalanan na ito?
Tara, alamin natin.
Isang dayuhan ang kasalukuyang iniimbestigahan ng Philippine National Police dahil sa pagsusuot nito ng unipormeng pang-pulis sa dinaluhang Christmas party.
Ang ginawa ng dayuhan ay isang halimbawa ng iligal na pagsusuot ng nasabing uniporme dahil hindi naman ito pulis kundi isa raw executive ng isang automobile manufacturing company.
Sinabi naman ni PNP Public Information Office Chief of Police Brigadier General Jean Fajardo sa isang press briefing na iimbestigahan na kung saan at paano nakakuha ng unipormeng mayroong patch ng Special Action Force ang dayuhan.
Ayon naman sa mga nagbebenta ng mga uniporme sa labas ng Camp Crame, mahigpit sila pagdating sa pagbebenta ng kanilang mga produkto at nanghihingi pa ng I.D. upang kumpirmahin na isa nga itong pulis, lalo pa at mayroong mga nagtatangka na bumili ng uniporme upang gamitin pang-costume.
Nagbigay naman ng babala ang otoridad na ang iligal na pagsusuot at paggamit ng uniporme ng pulis at ng insignia ay mayroong karampatang parusa na Arresto Mayor na siyang nakasaad sa Article 197 ng Revised Penal Code.
Ikaw, anong masasabi mo sa kuwentong ito?