Inamin ng Department of Agriculture na posibleng pumalo sa record high na 4.7 million metric tons ang volume ng rice import sa bansa sa pagtatapos ng taon.
Sa tala ng Bureau of Plant Industry, hanggang noong Disyembre a-dose, nasa 4.48 million metric tons na ang kabuuang dami ng bigas na dumating sa bansa.
Kaugnay nito, iginiit ni ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, na tama lang ang nasabing supply dahil ito ang naging tugon ng pamahalaan sa epekto ng magkakasunod na kalamidad na nakaapekto sa rice sector at lokal na produksyon sa bansa.
Makatutulong any ang rice import para mapanatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa susunod na anihan. – Sa panulat ni Kat Gonzales