Sinegundahan ni Senate Committe on Finance Chairperson Grace Poe ang pahayag ni Senate President Francis Escudero na kapangyarihan ng Pangulo na suriin ang 2025 national budget bill at magpasya kung ito ay aapruban o i ve-veto.
Ito ay matapos ang desisyon ng Malacañang na ipagpaliban ang nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa budget, bukas, Disyembre a-20.
Ayon sa Senador, kailangang suportahan ang checks and balances sa budgetary process, na isa ring tanda ng demokrasya ng bansa.
Tiwala naman si Senador Poe na makakatanggap si Pangulong Marcos ng mga tamang payo ukol sa budget mula sa kanyang mga mahuhusay na economic managers. – Sa panulat ni Laica Cuevas