Inirekomenda ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na paiksiin ang pagpapatupad ng gunban bago ang nalalapit na 2025 national elections.
Kasunod ito ng panawagan ng Senador na maamyendahan ang Republic Act no. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na layong isulong ang pagiging responsable ng mga gun owner.
Sa eksklusibong panayam ng DWIZ, sinabi ni Sen. Dela Rosa, na dapat ibaba sa 45 araw mula sa anim na buwan ang pinaiiral na gunban sa buong bansa bago mag eleksiyon at limang araw na gunban naman pagkatapos ng mismong araw ng eleksiyon.
Ayon sa Senador, maraming Pilipino ang naaapektuhan ng iligal na gawain tuwing nalalapit na ang halalan kabilang na ang pagdadala ng baril at mga matutulis o mapanganib na armas.