Sa ilang lugar sa Pangasinan, ipinagbabawal ang pakikipagchismisan at pagpapakalat ng maling balita!
Kung ano ang parusa sa mga lalabag, alamin.
Sa isang barangay sa bayan ng Binalonan sa Pangasinan, hindi pupwede ang pagchichismisan at pagkakalat ng fake news dahil kapag nahuli ang sinuman na nilabag ang patakaran na ito, mayroong karampatang parusa na kakaharapin!
Ayon sa pahayag ng dating barangay captain ng Capas sa Binalonan, pangasinan na si Danilo Tabucol Sr., ang bagong ordinansa na ito ay nakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang komunidad.
Ang nasabing ordinansa ay ipinatupad daw upang pigilan ang nakasanayan ng mga tao na pagpapakalat ng tsismis na nakasisira sa reputasyon ng isang tao.
Ang mga lalabag dito sa unang pagkakataon ay aatasan na magsagawa ng community service at magbabayad ng multa na tatlongdaang piso, limangdaang piso naman para sa second offense, at isang libong piso naman para sa third offense.
Marami raw ang pumuna sa ipinatupad na ordinansa ngunit para sa dating kapitan, ang layunin naman nito ay para sa ikabubuti ng mga residente.
Dahil sa magandang epekto nito sa capas, ipinatupad na rin ang anti-chismis ordinance sa iba pang barangay sa binalonan.
Ikaw, pabor ba sa’yo na magkaroon ng ganitong klaseng ordinansa sa inyong barangay?