Sa panahon ngayon, hindi na bago sa paningin natin ang pagkahilig ng mga kabataan sa mga online o computer games. Ngunit ang mga kalalakihan na ito, ibang klase ang dedikasyon sa paglalaro dahil maski ang bagyo at baha ay hindi sila napigilan!
Ang buong kwento, alamin.
Nag-trending sa social media ang video ng mga kalalkihan sa isang bayan sa Cainta, Rizal na naglalaro sa isang computer shop habang kapansin-pansin ang maruming tubig-baha na umabot na hanggang hita.
Makikita na hindi alintana ng mga gamer ang baha na kung saan ay mayroon pang lumulutang na mga basura, at kaswal na nakaupo habang nakataas pa ang mga paa sa kaniya-kaniya nilang mga upuan at focused pa rin sa kanilang mga monitor.
Ayon sa may-ari ng computer shop na si Sio Samson na isa palang computer engineer, hindi raw nila inasahan ang pagtaas ng baha noong araw na iyon.
Dahil dito, agad niyang inilipat ang mga computer sa mas mataas na pwesto dahil batid niya ang dala nitong panganib kung sakaling mabasa ng tubig.
Bukod pa riyan, pinatay din ng may-ari ang mga computer upang maiwasan ang ano pa mang trahedya na maaari nitong idulot.
Pero, ang computer shop naman ni Samson ay handa pala sa palagiang pagbaha kung kaya naman nakalagay ang mga kable at saksakan ng kuryente sa matataas na lugar.
Gayunpaman, ikinatuwa ng ilan ang hindi pagpapatalo ng mga gamer na ito, pinuna naman ng iba ang peligro ng pagkakakuryente.
Ikaw, ganito ka rin ba kaadik sa computer games?