Mariing kinondena ng partido ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng House Quad Committee na kasuhan ang dating presidente dahil sa madugong kampanya nito kontra iligal na droga.
Ayon sa partido ng Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP Laban), malinaw na pamumulitika ang ginagawa ng QuadComm at wala itong ligal na basehan.
Ginipit din anila ang mga ipinatawag na resource person sa pagdinig ng Kamara, at pinagbantaang iko-contempt kung hindi sundin ang script ng QuadComm.
Binigyang-diin pa ng PDP-Laban na hindi dumaan sa ‘due process ang pagdinig at ‘bias’ laban sa dating pangulo tulad na lamang nang pagdidiin kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa kwestyunableng pondo ng kanyang tanggapan. – Sa panulat ni Laica Cuevas