Nakapagtala ng mahigit 1,000 kaso ng tuberculosis na-diagnose sa Tondo, Maynila.
Ito’y matapos maglunsad ng tuberculosis project sa Tondo ang Doctors Without Borders, sa pakikipagtulungan ng Manila Health Department (MHD), upang tugunan ang mga hamon sa screening at paggamot ng TB pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa grupo, nakapag-screen sila ng 29,291 katao at na-diagnose ang 1,280 na pasyente na may TB sa nasabing lugar.
Nagsimula namang magbigay ng mga gamot sa TB ang DWB para sa 141 na mga pasyente sa Tondo noong Agosto.
Batay sa 2024 Global TB Report ng World Health Organization, mayroong 739,000 katao sa bansa ang nagkasakit ng TB.