Iginiit ng August 21 Movement na hindi kailangang burahin sa pera ang mukha ng mga bayani kundi iminungkahing isama na lamang ang imahe ng mga hayop sa disenyo.
Ayon sa grupo, nagsisilbing “mini history” Ng pilipinas ang mga tao sa pera at pagtindig laban sa pananakop ng mga dayuhan.
Pwede naman aniyang ilagay ang mukha ng mga bayani sa isang bahagi ng pera habang ang mga imahe ng hayop ay sa kabila nito.
Binigyang-diin ng grupo na bagama’t inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mananatili sa sirkulasyon ang paper banknotes, hindi naman malinaw kung mag-i-imprenta pa rin ang mga ito ng kasalukuyang disenyo ng pera.
Sinabi ng August 21 Movement na bagama’t nauunawan nila ang layunin ng BSP na dapat ay pag-aralan ang pagbabago sa pera sa pananaw ng “Historical distortion at revisionism” o ang pagpapalit o pagbabago sa kasaysayan. – Sa panulat ni Laica Cuevas