Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mananatili pa rin sa sirkulasyon ang mga paper banknotes ng Philippine currency kasama ng bagong labas na polymer bills, na umani naman ng pambabatikos mula sa publiko.
Nanindigan ang BSP na naging feature na ng mga barya at paper bills ang mga bayaning Pilipino.
Ginawa ng Bangko Sentral ang pahayag matapos ding kwestyunin ng August Twenty-One Movement (ATOM) ang desisyon ng BSP na tanggalin ang mga pambansang bayani sa mga perang papel.
Binigyang diin ng grupo na paraan ito ng pamilya Marcos para burahin sa isip ng mga Pilipino ang matapang na paglaban ng mga bayani para sa kalayaan ng bansa.
Nabuo ang atom kasunod ng pagpaslang kay dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong 1983, na tampok sa kasalukuyang 500 pisong papel kasama ang asawang si dating pangulong Corazon Aquino.