Aminado si Camarines Sur Representative Gabriel Bordado Jr. na hindi naging madali para sa kaniya ang desisyon na i-endorso ang ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Cong. Bordado, isang mabigat na pasya ang kaniyang ginawa dahil kailangan aniyang itaguyod ang rule of law at protektahan ang integridad ng democratic institutions.
Dagdag pa ng mambabatas, kanilang ikinunsidera ang maaaring maging batayan ng impeachment tulad ng mga binitawang pahayag ni VP Sara lalo na ang pagbabanta nito laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.; First Lady Liza Araneta-Marcos; at House Speaker Martin Romualdez.
Binigyang-diin din ng Kongresista, na nawalan ng tiwala ng publiko sa bise-presidente dahil sa kawalan ng transparency at integridad matapos itong magbitiw bilang kalihim ng department of education at dedmahin ang imbitasyon sa legislative inquiries hinggil sa alegasyon ng maling paggamit ng pondo.
Nilinaw naman ni Cong. Bordado na maituturing na partisan attack ang hakbang kundi isang constitutional mechanism na tutugon sa breaches of public trust. – Sa panulat ni John Riz Calata