Ibinunyag ng Commission on Audit ang paggastos ng Department of Education na nasa 1.64 billion pesos para sa un-usable digital infrastructure project kahit na ang key components ng sistema ay hindi naibigay.
Batay sa 2023 COA report, nagbayad ang DEPED ng higit 78 percent katumbas ng 1.356-billion pesos na halaga ng proyekto sa isang contractor kahit na may problema sa financial capacity at record kung saan madalas ay naaantala ang mga proyekto na ibig sabihin patuloy sa pagbabayad ang departamento sa kontraktor kahit hindi pa ito natapos.
Gayunman, nilinaw ng COA na ang nasabing proyekto ay sa ilalim pa ni dating DEPED secretary Leonor Briones.
Lumabas din na nagkaroon pa ng dagdag na gastos dito ang deped na P22.6-million pesos para sa extra maintenance fees at 9.6 million pesos naman na halaga para sa unused computer equipment na nadiskubreng nakatambak sa isang regional office.
Kinuwestyon din ng COA ang pag-award ng DEPED sa 697-million pesos contract sa phase 2 ng isang joint venture kahit na ang isang kompanya ay mayroon lamang na mahigit 92 milyong pisong net worth na may ulat na palaging delayed ang pagtatapos ng malalaking proyekto nito. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo