Sa halip na sa kani-kanilang tahanan, sa evacuation centers ipinagdiwang ng mahigit 6,000 indibidwal ang araw ng pasko.
Kaugnay nito, ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Canlaon City ang pagsasagawa ng Christmas celebration o party sa loob ng evacuation shelters.
Ayon kay Canlaon Mayor Jose Chubasco Cardenas, ito’y bahagi pa rin ng paghahanda sa posibleng ‘worst cases scenario’ dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang kanlaon.
Gayunman, pinapayagan naman aniya ang kaunting salu-salo.