Inirekomenda ng Office of Civil Defense na isama na rin ang tsunami drills sa pagsasagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill.
Kasunod ito ng naitalang sunod-sunod na offshore earthquakes kamakailan sa Santa Catalina, Ilocos Sur.
Ayon kay Undersecretary Ariel Nepomuceno, OCD Administrator at Executive Director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, layon ng nasabing hakbang na paghusayin ang kahandaan ng mga komunidad sa mga posibleng banta ng tsunami.
Nabatid na hanggang kahapon, umabot sa 186 ang naitalang lindol sa Ilocos Sur na may lakas na magnitude 1.8 hanggang 5.0.