I-aapela ng Senior Citizen Partylist sa Department of Trade and Industry na tanggalin na rin ang requirement sa pagprisinta ng purchase booklet sa pagbili sa mga grocery store.
Kasunod ito ng paglagda ni Health sec. Ted Herbosa sa administrative order no. 2024-0017, para tanggalin ang purchase booklet bilang requirement sa mga senior citizen, upang makakuha ng diskuwento sa pagbili ng gamot.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes, na malaking tulong ang nasabing hakbang, partikular sa mga senior citizen na umaasa lamang sa kanilang mga anak at sa natatanggap na pensyon.
Samantala, umaasa naman ang Kongresista na mabibigyang pansin ng Senado ang ‘universal pension.