Magsisimula na sa susunod na taon, buwan ng Enero ang pag-i-imprenta ng mga balota para sa kauna-unahang parliament polls.
Ito’y sa kabila ng nakabinbing panukala na ipagpaliban ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia na sisimulan na nila ang pag-iimprenta ng mga balota sa Enero a-6.
Kasabay na rin aniya ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota para sa 2024 National and Local Elections sa National Printing Office sa Quezon City.
Sa ilalim ng panukalang batas, ililipat ang Bangsamoro Elections makalipas ang isang taon o mula May 12, 2025 sa May 11, 2026.
Samantala, nagsagawa ang COMELEC ng “trusted build” Ng mga programa para sa automated election system (AES) na gagamitin sa darating na eleksyon.
Ang “trusted build” ay proseso ng pag-assemble ng pangkalahatang programa na mamamahala sa buong AES gamit ang mga nasuring bahagi. – Sa panulat ni Jeraline Doinog