Itinuturing ng House Quinta Committee bilang pangmatagalang solusyon ang sektor ng irigasyon sa bansa.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, overall chairman ng Komite, kanilang tututukan ang irrigation system sa pagbabalik ng sesyon sa Kamara.
Kumpiyansa ang lider ng Komite, na ang naturang sektor ang tutugon sa pagpapababa ng presyo ng bigas sa merkado.
Ipinunto pa ng kongresista na, kailangang mapataas ang pagtatanim ng palay sa bansa na magreresulta sa mas maraming suplay o produksiyon tungo sa abot-kayang presyo ng bigas.
Matatandaang sa pinakahuling pagdinig ng murang pagkain super committee, natukoy na singkwenta sentimos lamang ang ibinaba sa presyo ng bigas matapos ibaba ang taripa sa imported rice. – Sa panulat ni Kat Gonzales