Tiniyak ng Department of Public Works and Highways sa mga motorista na nananatiling ligtas daanan ang Biliran Bridge na nagdurugtong sa Biliran at Leyte provinces.
Sa kabila ito ng viral video sa social media ng paggalaw ng tulay na animo’y duyan.
Ayon kay DPWH-8 District Engineer Irwin Antonio, maaaring edited ang video na lumabas sa social media na nagdulot ng takot sa mga dumaraang motorista.
Ipinaliwanag ni Antonio na idinisenyo ang tulay na umuugoy upang kayanin nito ang impact ng bigat ng mga dumaraang sasakyan.
Ang malaking volume anya ng traffic noong lunes ang posibleng dahilan ng pag-ugoy ng Biliran Bridge.
Sa kabila nito, nagdeploy ang DPWH ng mga personnel upang silipin ang structural integrity ng nasabing tulay. Sa panulat ni Kat Gonzales