Isang araw matapos ang pagdiriwang ng pasko, unti-unti na muling bumibigat ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway.
Ayon kay NLEX Assistant Vice President for Traffic Operation Robin Ignacio, bahagyang dumami muli ang mga sasakyan lalo ang mga pabalik ng Metro Manila, simula kahapon.
Inaasahan na anya nilang tataas muli ang volume ng mga sasakyan pagtapos ng pasko at bago ang pagsalubong sa bagong taon o pagtapos ng Enero a – uno.
Dahil dito, pinayuhan ni Ignacio ang mga motorista na planuhing maigi ang kanilang biyahe.