Gumastos ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng 5.95 billion pesos para sa mga bagong polymer banknotes.
Ayon sa Commision on Audit, inaprubahan ng monetary board ang limang kontrata sa supply nuong ikatlo at huling bahagi ng 2023 para sa produksyon ng mga bagong pera.
Sa ilalim ng ‘New Generation Currency Series’, ang P1,000; P500; P150 ang mayroong mga bagong denominasyon.
Sa halip, tampok sa mga bagong bills ang mga katutubong hayop at halaman, tulad ng Philippine Eagle; Visayan Spotted Deer; sampaguita flower at endemic orchid.
Inaasahang magiging available sa buong bansa ang bagong denominasyon sa Enero ng susunod na taon. – Sa panulat ni Kat Gonzales