Plano ng Department of Agriculture na tanggalin ang brand labels sa imported rice.
Ito’y upang matigil ang pagmamanipula ng ilang retailers at traders sa presyo nito.
Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., naniniwala silang ginagamit ng ilang industry players ang mga brand label ng bigas upang maibenta ito sa mas mataas na presyo, matapos ang kanilang pagbisita sa mga pamilihan.
Maliban dito, balak din ng kalihim na alisin ang mga label tulad ng “premium” at “special” sa mga imported na bigas.
Samantala, kabilang din sa mga hakbang na pinag-aaralan ng ahensya ang posibleng pagpapahintulot sa pagpapalabas ng buffer stocks ng national food authority upang mapatatag ang presyo ng bigas;
Gayundin ang mungkahing payagan ang mga government corporation, tulad ng Food Terminal Inc., na mag-angkat ng bigas para makipag-kumpitensya sa mga private importer.