Mahigpit na binabantayan ng Department of Agriculture ang presyo ng mga lokal na prutas sa gitna ng inaasahang pagtaas ng demand dahil sa pagdiriwang ng bagong taon.
Kabilang sa minomotor ng kagawaran ang presyo ng pakwan; melon; pomelo; avocado; mangga at papaya.
Batay sa monitoring ng D.A. sa mga pamilihan sa Metro Manila, naglalaro sa 60 hanggang 90 pesos ang kada kilo pakwan; 60 hanggang 140 pesos ang kada kilo ng melon habang ang presyo ng mangga ay umaabot ng 150 hanggang 300 pesos kada kilo.
Tradisyon na para sa mga Pilipino ang paghahanda ng labingdalawang bilog na prutas tuwing bisperas ng bagong taon dahil sa paniniwalang sumisimbolo ito sa kasaganaan at magandang kapalaran. – Sa panulat ni Kat Gonzales