Pinanindigan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang paggastos ng 5.9 billion pesos para palitan ng polymer banknotes ang mga perang papel.
Ayon sa BSP, nabawasan ang mga peke at sira-sirang pera simula nang gumamit ang bansa ng polymer banknotes kumpara sa pera papel.
Batay sa datos ng BSP, bumaba sa one per 82 million pieces ang kabuuang counterfeit na 1,000 peso polymer notes simula 2022 hanggang noong November 2024 o katumbas ng 10 counterfeits mula sa 825.4 million sa bawat sirkulasyon.
Ang mga pekeng pera anilang ito ay mayroong mababang kalidad, dahil hindi tugma sa advanced security features ng polymer banknotes.
Gayunman, umabot sa 1 per 19,000 ang mga naitatalang counterfeits ng 1,000 peso paper bill nangangahulugang mas maraming peke nito kumpara sa polymer.
Nito lamang Disyembre a – 23, sinimulan na ng b.s.p. Na ilabas ang limitadong supply ng mga bagong 50, 100 at 500 peso polymer bills na bahagi ng “first philippine polymer banknote series” sa Metro Manila pa lamang.