Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na ginagawa na nila ang lahat upang mapawalang-sala ang 13 Pilipinang buntis na nakakulong sa Cambodia dahil sa sinasabing pagiging surrogate mothers.
Ayon sa DFA, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng philippine embassy sa Phnom Penh sa Cambodian authorities kaugnay sa nasabing usapin.
Dagdag pa ng ahensiya, kaagapay din nila ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang mapauwi ang 13 Pinay.
Nabatid na kabilang ang mga Pilipina sa 24 na kababaihan na kinasuhan ng attempted cross-border human trafficking sa cambodia dahil sa pagiging surrogate mothers. – Sa panulat ni John Riz Calata