Nakatakdang muling magpatawag ang Senate Blue Ribbon Subcommittee ng pagdinig kaugnay sa war on drugs campaign ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, hindi sila nakapagtakda ng hearing noong nakaraang taon dahil wala aniyang kapangyarihan ang subcommittee na magpa-cite-in contempt ng resource person.
Gayunman, inamyendahan na aniya ang rules ng Senado kaya dadalhin na rin ng subcommittee ang prerogative ng mother committee na magpa-cite in contempt.
Tiniyak naman ng Senador na bubusisiin nila ng husto ang isyu lalo na sa sinasabing cash reward sa hanay ng PNP para sa mga mapapatay na drug suspects. – Sa panulat ni Jeraline Doinog