Ihahain na ngayong araw sa mababang kapulungan ng kongreaso ang ika-apat na impeachment complaint laban kay vice president sara duterte
Ito ang kinumpirma ni House Deputy Minority Leader France Castro, kung saan 10 hanggang 12 Kongresista mula sa Majority Bloc ang mag e-endorso.
Nauna nang inihain ang tatlong impeachment complaint noong December 2024 mula sa civil society group, progresibong at grupo ng mga relihiyoso.
Kasalukuyan namang naka-recess pa ang kongreso na nakatakda namang magbukas ang session sa susunod na linggo, Enero 13.
Gayunman, sinabi ni Rep. Castro na hindi pa nila alam kung anong sektor ang mag susulong ng ika-apat na impeachment complaint laban sa Bise Presidente ang mahalaga aniya ang unprecedented na suporta mula sa mga kasamahan sa kongreso. – Sa panulat ni Jeraline Doinog