Maghihigpit na ang Land Transportation Office hinggil sa paggamit ng seatbelt bilang bahagi ng road safety measures.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary atty. Vigor Mendoza, inatasan na niya ang lahat ng regional directors at district office heads na gawin na nila ang lahat ng hakbang partikular na ang paggamit ng social media at iba pang platforms upang hikayatin ang mga motorista na gumamit ng seatbelt.
Makikipagtulungan din aniya sila sa mga transport group; paaralan; at iba pang stakeholder upang maipakalat ang impormasyon at komunikasyon para sa mga drayber at pasahero ng paggamit ng seatbelt.
Maliban dito, magpapa-deploy din ang nasabing ahensya ng mga enforcers at makikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies.
Dagdag pa ni Asec. Mendoza, agresibo rin nilang itutulak ang stop road crash program kung saan makikipag-ugnayan din sila sa mga lokal na pamahalaan at sa mga organisasyong pangkomunidad para sa nasabing kampanya. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo