Hinimok ni Senator Lito Lapid ang mga kasamahang senador na aprubahan ang kanyang senate bill no. 1471 na naglalayong ideklara ang Quiapo, maynila bilang isang National Historical-Cultural Heritage Zone.
Ayon kay Senador Lapid, malaki ang ambag ng quiapo sa kasaysayan, kultura, relihiyon, sining at ekonomiya ng bansa, at ang kahalagahan ng pag-preserba sa natatanging yaman nito.
Mahalaga anya ang nasabing lugar sa turismo at tradisyon, na nagsilbing sentro ng kalakalan bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop.
Inihalimbawa ng mambabatas ang mga makasaysayang lugar tulad ng minor basilica of the black nazarene, san sebastian church at masjid al-dahab, maging ang plaza miranda kung saan isang pambobomba noong 1971.
Layunin ng panukalang batas na buhayin muli ang quiapo bilang sentro ng ekonomiya at lumikha ng mga bagong pasyalan habang pina-ngangalagaan ang kasaysayan at kultura nito. – Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)