Target ng Department of Agriculture na magpatupad ng maximum suggested retail price sa mga imported na bigas.
Ito’y bahagi pa rin nang pagsusumikap ng pamahalaan na mapababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., hindi na dapat aabot ng 60 pesos ang kada kilo ng imported rice sa merkado dahil maituturing na itong ‘profiteering’.
Sa pamamagitan anya ng MSRP, matutukoy kung hanggang magkano lang dapat ang pinakamataas na bentahan ng imported rice.
Target naman ng Kalihim na mailabas ang guidelines o panuntunan kaugnay rito bago matapos ang Enero. – Sa panulat ni John Riz Calata