Tinalakay sa kauna-unahang full cabinet meeting ng admninistrasyong Marcos ngayong taon ang 16 na flagship projects o malalaking proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Department of Transportation.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na kabilang sa mga proyektong kailangang maipatupad bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang North-South Commuter Railway Project na magsisimula sa Clark International Airport hanggang Calamba, Laguna.
Ayon pa sa Kalihim, kabilang din sa mga proyektong ito ang MRT-4 at MRT-7;
Gayundin ang LRT line 1 extension project; Cebu International Container Port Terminal, PNR South Long-Haul Project, at Mindanao Railway Project.
Aminado naman si Sec. Bautista na may mga hamon silang kinakaharap sa ibang mga proyekto kaya naantala ang pagpapatupad nito.
Sa kabila nito, tiniyak ng Kalihim na nagpapatupad na sila ng mga hakbang para makausad ang mga nasabing proyekto at matiyak na maipatutupad ang mga ito bago matapos ang termino ni Pangulong Marcos. – Mula sa ulat ni Giblert Perdez (Patrol 13)