Kumpiyansa si Transportation Secretary Jaime Bautista na maipatutupad ng kagawaran ang infrastracture flagship projects ng administrasyong Marcos sa kabila ng mga isyu sa pondo at right-of-way acquisitions.
Bagama’t aminadong may epekto ito sa mga proyekto lalo na at nabawasan din ang budget para sa foreign-assisted projects, mapopondohan pa rin aniya ito gamit ang loan proceeds.
Sa inaprubahang 2025 General Appropriations Act, nakakuha ang dotr ng 87.245 billion pesos, mas mababa ng mahigit kalahati o 52% sa budget proposal nitong 180.89 billion pesos.
Kabilang sa malalaking proyekto ng DOTR ang North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway Project, MRT lines 4 at 7, LRT line 1 Cavite Extension, at Philippine National Railways (PNR). – Panulat ni Laica Cuevas