63% o 17.4 million ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Batay ito sa survey ng Social Weather Stations sa ika-apat na quarter ng 2024, na pinakamataas na self-rated poverty sa loob ng 21 taon.
Lumabas din sa naturang survey na labing isang porsyento ang nagsabing nasa “Borderline” sila, habang 26% naman ang itinuturing ang sarili na hindi mahirap.
Nakapagtala ng pinakamataas na self-rated poverty ang mindanao, na umabot sa 76%; na sinundan ng Visayas, 74%; habang nakapagtala naman ng 55% ang balance Luzon, at 51% naman sa Metro Manila.
Isinagawa ang survey noong December 12 hanggang 18, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,160 adult respondents sa buong bansa.