Kumpyansa ang pamahalaan na hindi na muling mapapabilang ang Ninoy Aquino International Airport sa anumang listahan na naglalarawan ng worst airport sa buong mundo.
Ito’y ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, kasunod ng pagsasapribado ng NAIA.
Sa Bagong Pilipinas ngayon, binigyang diin ng kalihim na ang pagsisimula ng rehabilitasyon sa naia ay isa sa mga malaking nagawa ng transportation sector noong nakaraang taon.
Kabilang aniya sa mga inire-reklamo ang mahinang buga ng aircon sa Terminal 3, ngunit ngayon ay malamig at komportable nang nakakapaghintay doon ang mga pasahero.
Maliban dito, maayos na rin aniyang gumagana ang baggage system at nakikita na rin ang resulta ng mga isinasagawang pagsasaayos sa paliparan at sa sistema nito. -