Aminado si Transportation Secretary Jaime Bautista na maaaring magdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang malawakang rehabilitasyon ng edsa simula ngayong taon.
Gayunman, kumbinsido si Secretary Bautista na tanging mga private motorista lamang ang maaapektuhan.
Ayon sa Kalihim, posibleng dumami pa ang mga sasakay sa MRT-3 dahil hindi naman maaapektuhan ito ng inaasahang traffic congestion sa pinaka-abala at pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Umaasa rin anya sila na makukumpleto na ang concession agreement para sa private operation at management ng Edsa Carousel para sa implementasyon nito sa ikalawang quarter ngayong taon.
Kampante naman si Bautista na hindi maaapektuhan ng total rehabilitation ng 23 kilometrong kahabaan ng edsa ang operasyon ng Edsa Busway. – Mula sa panulat ni Gilbert Perdez (Patrol)