Sa isang tipikal na araw, sinong mag-aakala na sa loob lamang ng limang minuto ay mahaharap sa dalawang magkasunod na aksidente ang isang lola sa Türkiye habang tumatawid?
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa isang cctv footage na nakuhanan sa isang kalsada sa northwestern sa türkiye, makikitang malinaw na malinaw na tumatawid ang isang matandang babae sa pedestrian lane.
Sa isang iglap, bigla na lamang itong tumilapon sa gitna ng daan matapos salpukin ng isang puting sasakyan na mabilis ang takbo at hindi man lang nag-menor kahit na may pedestrian lane.
Huminto naman ang driver ng nasabing sasakyan at tinulungan ang matanda at dali-dali ring sumaklolo ang iba pang mga tao na nasa pinangyarihan ng insidente.
Sa kasamaang palad, hindi pa man din nakakabawi ang matanda mula sa unang disgrasya na sinapit ay agad itong nasundan nang dumaan ang isang pulang kotse na dire-diretsong tumama sa matanda at sa mga taong nakapalibot dito.
Agad namang dinala ang matanda sa ospital kung saan himalang nakaligtas ito at ngayon ay nagpapagaling na sa icu.
Samantala, wala namang balita kung kinasuhan ba ang dalawang driver ng kotseng nakabangga kay lola.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa tila kamalasang sinapit ng matanda?