Kasalukuyan nang binabalangkas ng pamahalaan ang mga panuntunan para sa pagpapatupad ng akap program.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, isa sa mga probisyon sa ginagawang panuntunan ay ang pagbabawal na maglagay ng tarpaulin na may mukha, pangalan at stickers ng mga politiko kapag may pay-out na gagawin ang DSWD.
Ang nasabin anyang programa ay naglalayong mapagsilbihan nang maayos ang mga benepisyaryo nang walang bahid politika.
Binigyan-diin pa ng kalihim na agad na ilalabas ng DSWD; Department of Labor and Employment, at National Economic and Development Authority ang mga regulasyon o panuntunan sa sandaling makumpleto na ito. – Sa panulat ni Kat Gonzales