Libu-libong pasahero mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang naapektuhan nang ikinasang transport holiday ngayong araw na ito ng grupong ACTO o Alliance of Concerned Transport Operators.
Kabilang dito ang maraming pasahero partikular sa Cubao sa Quezon City, Pasay at Taguig na matagal na naghintay ng jeep.
Ilang jeepney drivers naman na naglakas loob pumasada ay hinarang ng ilan din sa kanilang mga kasamahan.
Layon ng tigil pasada na iprotesta ang plano umano ng LTFRB na i-phase out na ang mga jeep na matatanda na o nasa 15 taong gulang na pataas.
Iginigiit naman ng ACTO na hindi lamang ng mga jeep na 15 taong gulang na ay dapat i-phase out dahil marami sa mga ito anila ay maayos pa ang takbo.
Bukod dito, binigyang diin ng ACTO na karamihan sa mga may-ari ng mga matatandang jeep ay pagpapasada na lamang ang pinagkakakitaan.
By Judith Larino