Hindi matutuloy ang trilateral phone call nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba ngayong araw.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, sa halip ay inilipat ito bandang alas-syete ng umaga, bukas, January 13.
Ipinaliwanag ni Chavez na ang pagpapaliban ng trilateral phone call ng tatlong lider ay bunga ng patuloy na mga wildfire na nagaganap sa Los Angeles, California.
Sinabi ni Chavez na ang Estados Unidos ang nag-request na ilipat ang iskedyul ng mahalagang pag-uusap kung saan posibleng talakayin ang mga pangunahing isyu ng kooperasyon at seguridad sa rehiyon. – Sa panulat ni Laica Cuevas