Arestado ng mga otoridad ang apat na indibidwal ilang oras matapos ipatupad ang gun ban kasabay ng pagsisimula ng election period.
Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, ilan sa mga nakumpiskang armas ay mga pistol at long gun.
Nahuli aniya ang mga ito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Regions 12, 6 at 3.
Binigyang-diin ni Chief Marbil na babawiin o susupinsihin nila ang license to own and possess firearms ng mga violator at gagawa sila ng polisiya kung ilang taong hindi papayagan ang pagbibitbit ng armas ng mga susuway sa kautusan. – Sa panulat ni Laica Cuevas